
Napakasarap maging isang guro. Isa sa pinakastable Job sa Pilipinas ang trabahong ito. Hindi yumayaman ang mga guro bagkus nababaon pa sa utang Subalit yung aral na maiiwan nila sa mga estudyante, yung pagmamahal at Karanasan, yung mga memories na kanilang iiwan ang bubuo sa pagkatao ng mga estudyanteng dadaan sa kanila.Sa Pagdaan ng Panahon tila nabago na ang tingin ng mga Pilipino sa mga guro. Kung Minsan, magulang pa mismo ang nagpapakita ng hindi Pag respeto sa kanila. Nakakalungkot Di ba? Subalit ito ang mga totoong pangyayari sa ating lipunan.Isa sa nagpapahirap sa buhay ng mga guro ang epekto ng mga makabagong teknolohiya at pagkaadik ng mga kabataan sa mobile games lalong lalo sa sa mobile legend. Kung Minsan, hindi na to dapat maging problema ng mga guro Subalit dagdag pa sa kanilang Alalahanin sapagkat wala sa focus ang mga magaaral at mas binibigyang atensyon pa nila ito kesa sa kanilang Pag aaral.Sa liit ng sweldo na halos taon taon ay sinisigaw na ito ng mga kaguruan sa buong bansa ay tila bingi ang pamahalaan sa hinaing na ito. Gayun pa man, sa kabila ng kasalatang ito, nagagawa at ginagawa ng lahat ng kaguruan sa buong Bansa ang kanilang makakaya matuto lamang ang mga batang mag dadaan sa kanila.Sanay maintindihan ng lahat na ang Pagbaba ng a tas ng Edukasyon ay hindi kasalanan ng guro kundi ng mga bagay na nakakaapekto sa paghubog ng kaalaman ng mga bata. Teknolohiya, barkada, problema sa pamilya, pera, baon at marami pang iba.Marami mang problema sa industriya at kahit na mababa ang sahod ng guro sa bansang ito, masaya pa rin ang magturo. Mabaon ka man sa utang, sigurado namang may maipupundar ka naman. Hindi nga lang milyones, hindi kaperahan kundi pagmamahal at sempre, bahay at simpleng buhay na rin. 🙂