HomeEntertainment Jane de Leon: dinedeadma noon, Darna na ngayon
Jane de Leon: dinedeadma noon, Darna na ngayon

NOEL FERRER: Si Jane de Leon na ang bagong Darna!
Sino siya? Siya yung nasa Halik at La Luna Sangre ng ABS-CBN!
Ngayong nailabas na officially kung sino siya, masasabi kong nagsimula na siyang mag-training para sa role!
Anong say ninyo, mga Ka-Troika?
JERRY OLEA: Ang 20-anyos na si Jane de Leon ay exclusive talent ng Star Magic.
Gumanap si Jane bilang Maggie Bartolome, sister ng karakter ni Jericho Rosales sa teleseryeng Halik (2018-2019).
Isa rin siya sa moonchasers ng fantaseryeng La Luna Sangre (2017). Hintayin natin ang pagsigaw niya ng… DARNA!!!
GORGY RULA: Matagal na nating nabalitaang may napili nang Darna, pero hindi pa puwedeng ilabas, di ba, Sir Noel?
Puspusan na ang pagkuha nila ng ibang karakter na gaganap. Nag-i-invite na sila ng mga artistang posibleng gaganap.
Nagpapa-schedule na sila ng character reading, dahil gustong matiyak ni Direk Jerrold Tarog na babagay sa mapipiling artista ang role na gagampanan.
Totoo bang wala silang karakter na Valentina sa trilogy na ito?
NOEL FERRER: Matatandaan sa Mega Ball, dumalo itong si Jane de Leon at hindi pa siya masyadong pinapansin noon dahil wala pang announcement na siya na ang bagong Darna.
Tumaas ang kilay ng ibang nasa ballroom nang mag-picture-an sina Mr. M at Miss Mariole kasama si Jane sa naturang pagtitipon.
Si Mr. M o Johnny Manahan ang chairman emeritus ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, habang si Mariole Alberto ang kasalakuyang namumuno nito.
Ang sabi ng mga tao noon, “May something sa babaeng ito para magpa-picture with the Bosses!”
Ayan na nga… siya na si Narda/Darna!
Sana, mai-pin down na rin kung sinu-sino ang ibang characters sa Darna trilogy na matagal nang nabinbin.


Napakasarap maging isang guro. Isa sa pinakastable Job sa Pilipinas ang trabahong ito. Hindi yumayaman ang mga guro bagkus nababaon pa sa utang Subalit yung aral na maiiwan nila sa mga estudyante, yung pagmamahal at Karanasan, yung mga memories na kanilang iiwan ang bubuo sa pagkatao ng mga estudyanteng dadaan sa kanila.Sa Pagdaan ng Panahon tila nabago na ang tingin ng mga Pilipino sa mga guro. Kung Minsan, magulang pa mismo ang nagpapakita ng hindi Pag respeto sa kanila. Nakakalungkot Di ba? Subalit ito ang mga totoong pangyayari sa ating lipunan.Isa sa nagpapahirap sa buhay ng mga guro ang epekto ng mga makabagong teknolohiya at pagkaadik ng mga kabataan sa mobile games lalong lalo sa sa mobile legend. Kung Minsan, hindi na to dapat maging problema ng mga guro Subalit dagdag pa sa kanilang Alalahanin sapagkat wala sa focus ang mga magaaral at mas binibigyang atensyon pa nila ito kesa sa kanilang Pag aaral.Sa liit ng sweldo na halos taon taon ay sinisigaw na ito ng mga kaguruan sa buong bansa ay tila bingi ang pamahalaan sa hinaing na ito. Gayun pa man, sa kabila ng kasalatang ito, nagagawa at ginagawa ng lahat ng kaguruan sa buong Bansa ang kanilang makakaya matuto lamang ang mga batang mag dadaan sa kanila.Sanay maintindihan ng lahat na ang Pagbaba ng a tas ng Edukasyon ay hindi kasalanan ng guro kundi ng mga bagay na nakakaapekto sa paghubog ng kaalaman ng mga bata. Teknolohiya, barkada, problema sa pamilya, pera, baon at marami pang iba.Marami mang problema sa industriya at kahit na mababa ang sahod ng guro sa bansang ito, masaya pa rin ang magturo. Mabaon ka man sa utang, sigurado namang may maipupundar ka naman. Hindi nga lang milyones, hindi kaperahan kundi pagmamahal at sempre, bahay at simpleng buhay na rin. 🙂


